Skip to content
Philippines

BSP Security Tips: Say no to money muling! #BSPSecuriTips

on March 4, 2025

#BSPSecuriTips:BAWAL MANLOKO! HUWAG MAGPAGAMIT!

Sa ilalim ng Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA), krimen ang money muling at iba pang cybercrimes.

Ang money muling ay paggamit o pagpapagamit ng iyong bank account o e-wallet para sa ilegal na transaksyon. Kabilang dito ang pagbubukas ng pekeng account, paggamit ng ID o dokumento ng ibang tao, pagbili, pagrenta, pagbebenta, o pagpaparenta ng account. Kasama rin ang panghihikayat o pagre-recruit ng iba para maging money mule.

Basahin ang kabuuang impormasyon tungkol sa AFASA: https://www.facebook.com/BangkoSentralngPilipinas/posts/pfbid0JyFz8KtRamt75VDH44Y2vHyG5MaHgQ5rQEtD79UFwRsWmWYu8QbzwPHuyTQh3jmwl

Makipag-ugnayan agad sa official channels ng inyong bangko o e-money issuer kung nakumpromiso ang inyong account o personal na impormasyon. Para sa directory: https://www.bsp.gov.ph/SitePages/FinancialStability/DirBanksFIList.aspx

Maaari ring i-report ang scammers sa mga sumusunod:

Kung sakaling hindi nabigyan ng sapat na aksyon ng bangko ang inyong hinaing, maaaring ipagbigay-alam ito sa BSP sa pamamagitan ng BSP Online Buddy o BOB. Makakausap si BOB sa pamamagitan ng mga sumusunod: 

  1. I-click ang BOB icon sa BSP website (www.bsp.gov.ph
  2. Mag-chat sa Facebook Messenger ng BSP (https://www.m.me/BangkoSentralngPilipinas/

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BSP Consumer Assistance Mechanism, bisitahin ang: https://bit.ly/BSPCAM  Protektahan ang sarili mula sa scams at iba pang uri ng panloloko! Gawin ang #CPR – #CheckProtectReport 👍🏼