Skip to content
Philippines

#BSPSecuriTips: Delivery notification with link? Be extra careful

5 days ago

#BSPSecuriTips: May delivery notification na may link? Magdoble-ingat. πŸ“¦

May mga scam na nagpapanggap na courier o delivery service para makuha ang inyong impormasyon o OTP.

βœ” I-check kung may pending order talaga

βœ” I-verify ang sender o courier

βœ” Huwag mag-click ng link sa text o magbahagi ng sensitibong impormasyon

Gawin ang #CPR o #CheckProtectReport para sa mas ligtas at secure na transaksyon. πŸ‘πŸΌ

Makipag-ugnayan agad sa official channels ng inyong bangko o e-money issuer kung nakumpromiso ang inyong account o personal na impormasyon. Bisitahin itong directory: https://www.bsp.gov.ph/SitePages/FinancialStability/DirBanksFIList.aspx

Maaari ring i-report ang scammers sa mga sumusunod:

Kung sakaling hindi nabigyan ng sapat na aksyon ng bangko ang inyong hinaing, maaaring ipagbigay-alam ito sa BSP sa pamamagitan ng BSP Online Buddy o BOB. Makakausap si BOB sa pamamagitan ng mga sumusunod: 

  1. I-click ang BOB icon sa BSP website (www.bsp.gov.ph)Β 
  2. Mag-chat sa Facebook Messenger ng BSP (https://www.m.me/BangkoSentralngPilipinas/)Β 
  3. I-click ang BOB icon sa BSP mobile app. I-download ang app sa Google Play Store para sa Android devices (https://play.google.com/store/apps/details?id=bsp.gov.ph.mobile.bsp_mobile&hl=en&pli=1) o sa App Store para sa Apple devices (https://apps.apple.com/ph/app/bsp-mobile/id6738836335)

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BSP Consumer Assistance Mechanism, bisitahin ang: https://bit.ly/BSPCAM